Then my journey starts here
Hello everyone! This is my first time doing it. Well, I mean this blogging thingy. Hahaha
So the reason why I'm doing this is because I want to share my experiences as a new mom to everyone.
Whether it was planned or not, still some of you reading this are new moms and didn't know what to do next.
Hindi ko na pahihirapan pa ang sarili ko. Magtatagalog na ko since isa akong Filipino.
Lets start!
❤Ano ang naging reaction ko nung nalaman kong buntis ako?
At first natakot ako. Yes, natakot ako but not the fact na magkakaroon na ko ng baby. Natakot ako dahil bigla kong naisip kung masakit ba ang pag-ire at paano umire! Hahaha 😂😂😂😂 funny, right? That was the first thing that came into my mind that very moment. At tandang tanda ko pa kung anong oras ko siya nalaman. February 28,2018 at 4:14am.
❤ Anong ginawa ko after I found out that I am PREGNANT?
Sinabi ko agad sa partner ko, obviously. 😇😍
Then after that wala na kong iba pang pinagsabihan. I kept quiet for almost a month. Still undecided if sasabihin ko na sa family ko at sa family ng partner ko or not. I'm so eager to tell them the big news but kinda hesitate on the latter because of my partner. Ayaw nya kasing sabihin muna kasi hindi pa siya handang mapagsabihan ng nanay at tatay niya. 😂😂 Sa side ko wala naman akong problema dahil kilala ko sila. Alam kong matatanggap nila yung nangyare pero syempre di ko pa din sinabi kasi surprise dapat.
❤ Kailan nila nalaman na buntis ako at anong naging reaction ng family ng partner ko?
March 24, 2018 nila nalaman dahil pinatapos ko muna yung birthday ng dalawang pamangkin ng bf ko. March 20 ako nagpaultrasound and tada! Confirmed, I'm preggy. ❤ Nagalit yung mother ng bf ko nung sinabi ko na. Yup, ako lang nagsabi. Kasi ayaw ng partner ko. Actually palihim ko lang ginawa yun kasi nga pinipigilan ako ng partner ko. Ayoko kasi yung feeling ng nagtatago lalo pa may buhay ng pinag-uusapan and hello?! it's OUR baby. He should be proud. Anyways, ayun nga nagalit and pinagsabihan ako. (Don't wanna brag about this pero hindi kasi ako gusto ng side ng bf ko for him. They prefer his EX GIRLFRIEND. I can't blame them kasi 3 years din sila nung girl and close yung girl sa family ni bf. Masakit lang syempre on my part.)
❤ Ano itsura ni baby pea?
This is my baby pea 😍 at 10 weeks and 1 day.
❤Kailan ako nagsimulang maglihi at anong pinaglihian ko?
Nagstart akong maglihi pagtuntong ko ng 3rd month. Nandyan na yung nonstop na pagsusuka. Halos every 15 minutes to 30 minutes suka ako ng suka (excuse lang po sa mga kumakain). Bago ako magbuntis I weighed 48kg pero nung nagstart akong maglihi nagdrop ako sa 45kg. I find it amusing kasi naisip kong kailangan ko lang pala maglihi para bumaba ang timbang at pumayat. Katunayan nga nyan, nung weeks before kong malaman na preggy na ko, super active ako sa workout and jogging. Whole month ng February lagi akong nasa UP academic circle para magjogging. Morning and evening lagi kaming nagjajog ng bf ko. Imagine kung gaano katibay kapit ng baby ko para kayanin nya yung hard workout ko. 😍❤❤
Im so thankful na walang nangyaring masama sa kanya.
And ang pinaglihian ko pala ay mga prutas at gulay. No specific kind basta prutas at gulay lang. Nung time kasi na naglilihi ako sinusuka ko lahat ng karne, baboy, manok at isdana makain ko. As in napakapanget ng lasa at amoy nya para sa akin.
❤ Anong gender ni baby and ilang months bago ko nalaman gender?
Sa sobrang pagkaexcite ko na malaman ang gender ni baby by 20 weeks nagpaultrasound na ko ulit. Hahahahaha 😂😂😂 Syempre para malaman ko na rin if okay siya sa loob nag pa congenital anomaly scan(CAS) na ako.
Nagpaultrasound ako sa B&C Ob-Gyn ultrasound and Medical Clinic sa may Fairview Pearl drive. Ang CAS sa kanila with gender identification was 1500php last 2018.
And to cut my story short, lumabas sa 2D ultrasound na normal si baby. Walang kahit na anong kulang na daliri at walang problema sa organs. My baby pea is a SHE! 😍😍😍😍
I have a baby girl na. We can think of a name for her 😍😍😍😍
❤ Anong gender ang ineexpect ko before mareveal ang gender ni baby?
Actually, I'm praying for a boy. Kasi I'm the eldest among my siblings and only girl. Alam ko yung pakiramdam na naghahanap ka ng magtatanggol sayo. Yung matatawag mo na "Kuya" at alam ko din yung pakiramdam na sayo nakadepende ang kinabukasan ng pamilya at ng mga kapatid ko. And I don't want to my baby to experience that if she's a girl and the eldest. But this is what God gave to me. I'm still thankful and grateful for having a healthy baby girl. 😇😍😍😍 And i super duper love her!
❤ She's coming!!
At around 4pm ng Oct 20, 2018 nananakit na yung tyan ko. Galing akong lying-in ko para sa prenatal check up ko and napag-isipan kong magpuntang mall. I think that was 2 kilometers away sa lying in clinic na pinanggalingan ko. Alas 12 nun ng tanghali naglakad ako. Lagpas ala 1 na ng makarating ako sa Ever Commonwealth. Wala pa kong nararamdaman nung una kaya nag-ikot ikot pa 'ko sa mall habang kachat yung bf ko. Sinabihan nya kong hintayin ko nalang siya dun at sabay na kaming uuwi. Time flies, it was 4pm when I felt a sharp pain inside my belly. Hindi ako makagalaw nun. Kaya pumunta akong Tom's world para makiupo. Dun ilang beses nagpaulit ulit yung sakit hanggang sa dumating na nga bf ko.
Sinabi ko sa kanya na napakasakit ng tyan ko pero nawawala wala din. Tinanong nya ko kung didiretso na ba kami sa lying in o uuwi na. Ang ending, umuwi nalang kami kasi pagod na ko at inaantok.
Lumipas ang gabi at nakatulugan ko nalang ang sakit. Oct 21, 2018 2am nagising ako sa sobrang sakit ng tyan ko. That time I knew she was coming. Every 30 minutes ang interval ng sakit nung una. But as the clock keeps on ticking... Paikli na ng paikli yung interval ng sakit. Andyan na yung every 10 minutes sasakit na ulit. Kaya naligo ako ng maligamgam at nag asikaso na para pumuntang lying in. Ginising ko na rin ang bf ko para kapag tapos kong maligo at magbihis ay pwede na kameng umalis.
4am nasa lying-in na kami at nakaadmit na. 3cm palang daw ako.
Grabe na ang sakit pero tiis lang.
Alam kong makikita ko na rin sa susunod ang anak ko.
to be continued......



Comments
Post a Comment